6 Talata sa Bibliya tungkol sa Isip-Bata
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.
Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.
At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo. Kinandili ko kayo ng gatas, at hindi ng lamang-kati; sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;
Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.
Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas.